You are viewing [info]mokay_keyk's journal

Possessed Mocha [entries|archive|friends|userinfo]
Mokayela

[ website | mokayela @ twitter ]
[ userinfo | mokaykeyk ]
[ archive | journal archive ]

Tardiness [May. 31st, 2012|11:22 pm]
Woohoo! Minus 800 pesos sa sweldo ko ngayong buwan. Ang saya lang. Tapos may bawas pang tax. 

P*tangina.



.
LinkLeave a comment

Charter Change [Apr. 24th, 2012|02:02 am]
Hindi naman sa ayaw ko, pero ayaw ko talaga e.

Sana mahanap ko na yung USB ko. 


.
LinkLeave a comment

Pedxing [Apr. 20th, 2012|01:14 am]
Nawawala yung timing ko sa pagtawid. O wala talaga akong timing sa pagtawid? Mukhang wala nga. Ayoko talagang tumawid mag-isa e.
LinkLeave a comment

Hello. [Apr. 12th, 2012|01:17 pm]

Bagong lugar.


Masakit sa likod yung upuan pero ok lang, masasanay din siguro ako. Ok din pala yung Mac e, high tech ang dating. Nakakalito minsan pero ok lang. Sagana lang magbigay ng static energy, tamang pampagulat lang sa nakaka-antok na hapon. Gusto ko ng ganitong bahay, kulay puti, kahoy ang sahig at saka may lamp na kahawig nung nasa logo ng Pixar. 



Link3 comments|Leave a comment

Library day [Mar. 27th, 2012|11:09 pm]

Wala talaga kami sa library (obvious naman), may hawak lang kaming libro dito at kunwari may binabasa. Naalala ko lang yung eksena sa library nung 2009, noong background music pa sa isip ko yung Ang Bandang Shirley. Miss ko na yung library sa school. 

LinkLeave a comment

March 5 ang date ngayon sa computer ko [Mar. 6th, 2012|08:19 pm]
Hindi pa rin ako maka-get over sa Death Cab for Cutie. Ang ganda, sobrang ganda talaga. Naiiyak ako na ewan parang gago. Nakikinig na naman nga ako sa mga kanta nila ngayon. Gusto ko pa manood ulit. Parang sana meron ulit silang concert dito bukas.

"I think we're going to have a long and beautiful friendship."
                           - Ben Gibbard (Death Cab For Cutie in Manila)

Pi-print ko to tapos ilalagay ko sa corkboard haha.
LinkLeave a comment

3am [Feb. 12th, 2012|05:11 pm]







LinkLeave a comment

58:33 [Feb. 10th, 2012|03:36 am]



LinkLeave a comment

Hello, kidney stone [Feb. 8th, 2012|02:38 am]


Yung pupunta ka sa isang handaan tapos akala mo masarap yung pagkain pero hindi pala tapos kailangan mong ubusin. Hindi na ko nag-round 2 kahit para sa lechon. 
LinkLeave a comment

no subject na lang [Feb. 3rd, 2012|03:13 am]



Tuwing maglalakad ako palabas sa village sa umaga, lagi kong tinitignan yung mga pusa sa bubong ng mga kotse na nagpapainit sa araw. Karamihan sa kanila sa bubong talaga nahihiga. Ito namang isang 'to, nagulat ako kasi sa may gulong ng kotse siya pumwesto. Katulad din siya ng ibang mga pusa dito, mailap at ayaw magpakuha ng litrato. Gusto ko sana siyang ampunin kaso di pwede sa bahay kasi ayaw ng nanay ko sa mga pusa. 

May daga pala sa loob ng bahay, nakita ko kanina. Medyo maliit lang siya ng konti sa kuting na to. Bumili kami ng mouse trap kanina e pero di talaga mukhang mouse trap na katulad ng nasa cartoons. Papel lang siya na madikit, yung mas ginagamit para sa mga ipis. Pero mabisa naman to kasi nakahuli na kami ng daga dati gamit yun. Sana mahuli na bukas. Yung daga.




.

LinkLeave a comment

Ang Baho Mo, Pero Ok Lang. [Feb. 2nd, 2012|01:47 am]
Nakakaantok yung amoy ng aso namin. Kagabi habang patulog na ko at malapit na managinip, nagising ako bigla dahil sinusubukan niyang sumampa sa kama ko. Akala ko kung sinong nag-uuga nung kama, siya lang pala. Di ko siya pinatulog sa kama kasi naglalagas siya at di pa naliligo. Pagkatapos nun, nakatulog ako. Hindi ko alam kung nanaginip ako na binabangungot ako at hindi ako makagalaw. O nangyari talaga yun kagabi? Hindi ko maalala. Parang panaginip na hindi. 
LinkLeave a comment

Minsan sana oo, minsan sana hindi [Feb. 1st, 2012|01:24 am]
Sana hindi totoo. Kapag oo, suntukan na lang tayo. Mag-eenroll ako sa Elorde, malapit lang naman 'yun dito.
LinkLeave a comment

navigation
[ viewing | most recent entries ]
[ go | earlier ]